Inihayag ng National Basketball Association (NBA) na magbubukas sila ngayon ng pinakamalaking NBA Store sa labas ng Estados Unidos, at ito ay sa Pilipinas na matatagpuan sa Glorietta 3 sa Ayala Center sa Makati City.

Ang opening ng nasabing NBA Store ay pasisinayaan ni three-time NBA All-Star at miyembro ng 2004 NBA champion na Detroit Pistons na si Richard “Rip” Hamilton.

Pinamahalaan ng International Athletic Trading Company, Inc., mabibili sa NBA Store sa Pilipinas ang mga authentic NBA merchandise at memorabilia.

Mayroong dalawang palapag at lawak na 1,000 metro kuwadrado ang nasabing NBA Store na magtataglay ng lahat ng mga merchandise ng lahat ng 30 mga koponan sa liga, kabilang na ang mga personalized jersey.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Matatagpuan din dito ang iba’t ibang produkto ng liga, kabilang na ang kanilang pinakabagong uniporme at sapatos na gawa ng adidas, ang official outfitter ng NBA.

Makikita rin dito ang mga autographed memorabilia ng tanyag na NBA players at iba pang mga kagamitan na gaya ng mga offcourt apparel at accessories.

Mayroon din ditong interactive zone kung saan maaring mapalakas ng isang basketball fan ang kanyang NBA 2K skills at maikumpara ang laki ng kanyang mga kamay at paa at maging sa taas ng kanilang paboritong NBA players.

“The passion and excitement of NBA fans in the Philippines have helped us deliver so many dedicated Filipino NBA destinations across TV, social and digital media, events, and the NBA Cafe,” pahayag ni Scott Levy, ang Senior Vice President at Managing Director ng NBA Asia. “It is fitting that the Philippines should also have the largest NBA Store outside of the U.S. This will present yet another opportunity for our fans to get closer to the game, and proudly display their loyalties to their favorite NBA team and players.”

Ang unang 300 magtutungo sa NBA Store ay nakatakdang tumanggap ng special prizes, kabilang na ang pagkakataon na makadaupang palad si Rip Hamilton at magwagi ng limited edition footwear, NBA Store gift certificates, personalized jerseys at iba pang mga NBA merchandise.

“Basketball is a way of life in the Philippines, and we are excited to be working with the NBA to open an official NBA Store right here in Manila,” ayon naman kay Melvin Lloyd Lim, President/CEO ng International Athletic Trading Company Inc.

“The NBA Store will not only offer the country’s widest range of NBA merchandise and apparel, it will be a destination for future NBA activities, something our Filipino fans can look forward to.”

Pormal na magbubukas ang NBA Store ngayon sa ganap na alas-9:00 ng umaga.