Iniimbitahan ang mga nais maging beauty queen na maging kinatawan ng kanyang barangay at lumahok sa 2014 Miss Novaliches.

Ang taunang inter-barangay na patimpalak ay bukas para sa mga babaeng edad 18-25.

Kahit mga hindi residente ng Novaliches ay maaari pa ring lumahok kung pahihintulutan sila ng concerned barangay.

“Priority natin siyempre kung residente ng Novaliches. Pero kung may kamag-anak sila sa nasasakupang barangay at bibigyan ng endorsement ay tatanggapin natin,” pahayag ni Ram Castalone, event coordinator.

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

Bukas ang pagpapatala bago ang talent at swimwear competition (pre-pageant) bukas, Disyembre 7, sa Aquaboy Resort sa No. 10, Oriole Street, Zabarte Subdivision, Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Ang grand coronation night ay gaganapin din sa pinakabagong resort and activity center sa Quezon City sa Disyembre 20.

Tatanggap ng P30,000 cash at tropeo ang tatanghaling Ms. Novaliches bukod pa sa iba’t ibang beauty products at modeling contract.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Ram sa 0915-7351010 o bisitahin ang Facebook page ng Ms. Novaliches at Aquaboy Resort.