CAMP DANGWA, Benguet - Isang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nakabase sa Abra ang kusang sumuko sa Abra Police Provincial Office sa Bangued.

Nabatid kay Chief Supt. Isagani Nerez, regional director ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, na sa tulong at pakikipagnegosasyon ni Tuba Mayor Gilbert Ballangan, at Tuba Police chief Insp. Rodolfo Tubadeza, ay boluntaryong sumuko noong Disyembre 2 ang mag-asawang Robert Alimbuyugen Arciaga, 19, tubong Caloocan City; at Rochelle Calantay Alem, 18, kapwa medical officer ng Team UNO ng 3rd Squad ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) Montes sa Barangay Amtuagan, Tubo, Abra.

Sinabi ng mag-asawa na nagdesisyon silang sumuko dahil naniniwala silang wala silang kinabukasan sa walang kapagurang pagtatago sa kabundukan.

Rizaldy Comanda

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian