Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang lolo na umano’y drug pusher at nasa listahan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), matapos itong matyempuhan ng mga pulis sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/ Chief Inspector Allan R. Ruba, hepe ng SAID-SOTG, paglabag sa Violation of Art. 11 under R.A. 9165 ang kinakaharap na kaso ni Bonifacio Salison, 60, ng Building 30 A. Unit 1, Disiplina Village, Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Bandang 3:00 ng hapon, nagsasagawa ng surveillance ang mga tauhan ni Ruba sa Lamesa Street, Barangay Ugong nang mamataan si Salison habang nakasakay ng motorsiklo kaya’t sinita ito ng mga pulis. Nakuha sa suspek ang isang plastic sachet ng shabu.

Inirereklamo ng kanyang mga kapitbahay ang suspek na lantarang nagbebenta droga sa kanilang lugar.
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian