Kung tutuusin, hindi naman masama ang ibahagi mo ang iyong kumpiyansa sa sarili at maganda ming selfie sa buong mundo; ngunit dapat tandaan na may higit pa sa iyong selfie. Hindi dapat maapektuhan ng kung anu-anong negatibo o positibong komento ang iyong pamumuhay.

  • Mas mabuti ang iyong pag-uugali. - Ang pagpapalaya mo sa iyong sarili mula sa pag-aalala kung paano ka nakikita ng iba ay mainam para sa iyong pag-uugali. Dahil pinoproblema mo ang magiging komento o reaksiyon ng iba sa iyong mga selfie, binibigyan mo sila ng kapangyarihang kontrolin ang iyong mood at pananaw sa buhay. Kapag binabalanse mo ang iyong pino-post sa social media o nagpahinga ka sa kapo-post ng mga selfie, makatutulong iyon upang makontrol mo ng iyong pag-uugali.
  • Magkakaroon ka ng tunay na kahulugan ng kagandahan. - Ang pagpo-post ng napakaraming selfie ay hindi lamang nagbibigay-diin sa mga opinyon ng iba sa atin at hitsura lamang natin ang kanilang pinagtutuunan ng pansin, maaaring mabaluktot ang ating depenisyon ng kagandahan. Kapag sinimulan mong bigyan ng diin ang iyong hitsura kaysa mga tunay mong na katangian, naroon ang panganib na maging superficial ka.
  • National

    Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

  • Hindi ka gaanong maaapektuhan sa negatibong komento. - Gayong katiting kang ang impact sa iyo ng isang negatibong komento, parang hindi mo makakaya ang dalawa, lalo ang tatlo o higit pang kritisismo o dislike mula sa mga nakakita ng iying mga selfie na ipinaskil mo sa social media. Mahalaga na maiwasan mo ang tendency na mag-over react ka sa mga negatibong komento o dislike upang mapanatili mo ang malusog na tingin mo sa iyong sarili.

Ang taong may pagpapahalaga sa sarili, marunong makipagkapwa, laging nakatuon sa positibong aspeto ng buhay, maging anuman ang kanilang hitsura sa selfie ay tunay ngang hinahangaan at umaani ng likes.