Ni Madel Sabater-Namit
Kung may Christmas wish man si Pangulong Benigno S. Aquino III, iyon ay ang magawa ng bawat Pinoy na magkaroon ng sapat na panahon kasama ang kani-kanilang pamilya.
Sa open forum sa 28th Bulong Pulungan Christmas Party kahapon, sinabi ni Pangulong Aquino na wish niya ngayong Pasko na magkaroon ng quality time ang bawat Pilipino para sa kani-kanilang pamilya, lalo na para sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa.
“Christmas to the Filipino is family time. We have 10 million Filipinos supposed to be out of the country,” sinabi ni Pangulong Aquino, idinagdag na hinihiling niyang ang bawat Pinoy na may kamag-anak sa ibang bansa ay magkaron ng panahong magkasama-sama sa bansa ngayong Pasko.
“Not centered on the material things but rather, really being able to relish each second that you have spent with each other,” aniya.
Idinagdag pa ng Pangulo na ang isa pa niyang Christmas wish ay maging payapa ang Pilipinas, dahil giniyagis ang bansa ng mga kalamidad sa nakalipas na mga taon.