WASHINGTON (AP) — Kinasuhan ng U.S. jury ang apat na Pilipino kaugnay sa pandudukot noong 2011 sa isang Amerikana at kanyang binatilyong anak habang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Si Gerfa Lunsmann ay 82 araw na hawak ng mga suspek habang ang kayang anak na si Kevin ay nakalaya makalipas ang 151 araw, matapos mapilitan ang kanilang pamilya na magbayad ng ransom.

Matapos pakawalan ang ina, nakatakas sa mga dumukot sa kanya ang kanyang anak. Sinabi ng federal prosecutors na ang dalawa ay dinukot sa isang island beach cottage sa Zamboanga City.

Wala sa apat na akusado, na hindi pinangalanan, ang nasa kustodiya. Isinampa ang kaso noong Huwebes at ang bawat akusado ay kinasuhan ng hostage-taking, conspiracy and weapons charges. Kapag sila ay nahuli at isinuko sa US, mahaharap ang apat sa habambuhay na pagkakakulong.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon