Ilulunsad ng mga taong nagmamahal sa volleyball ang kampanya para sa 1-milyong pirma na iikot sa buong bansa upang isalba ang Philippine Volleyball Federation (PVF), mula sa binuong men’s at women’s team.

Ito ay matapos na kuwestyunin ng kasalukuyang namamahala sa PVF ang mga pahayag ng Philippine Olympic Committee (POC), partikular si Vice-President Jose Romasanta, na inatasan ng internasyonal na pederasyon na FIVB at Asian Volleyball Confederation (AVC) upang i-take-over ang asosasyon.

“So sila na rin (POC) pala ang nakikipag-usap representing the PVF and then sila na rin pala ang magpapatakbo ng NSA’s,” sinabi ni PVF sec. gen. Otie Camangian.

“Where is the process here? Why do it in a haste and arbitrary manner. Should it be the POC exercise the fundamental Olympism principle of due process and right to be heard,” pahayag pa ni Camangian.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nasaan ang sulat?,” kuwestiyon pa ni Camangian. “The public and the volleyball community had the right to know kung mayroon talaga na ganyan communication from the FIVB at AVC. Bakit sila mayroong kopya samantalang kami na mismo sa NSA’s ay hindi man lamang pinadalhan ng kopya?,“ sabi pa ng dating national player.

Inihayag mismo ni Romasanta na nakausap nito sina FIVB/AVC honorary president Wei Jizhong at AVC executive vice president Shanrit Wongprasert sa nakalipas na Asian Beach Games na ginanap sa Phuket, Thailand kung saan ay pinag-usapan nila ang kasalukuyang estado ng volleyball sa bansa.

Sinabi pa ni Romasanta na sumulat sa kanya si Wongprasert noong Disyembre 2, 2014 upang bumuo ito ng 5-man committee na tanging may karapatang iprisinta ang bansa at kikilalanin ng asosasyon para sa Asya.

Inihayag ni Romasanta na ang 5-man body ay bubuuin nina Ramon “Tatz” Suzara, Chairman ng AVC Development and Marketing Committee at FIVB Development Committee bilang Vice-Chairman, kasama sina Ricky Palou para sa pribadong grupo, Atty. Ed Malinao na POC legal representative at sina Gretchen Ho ng Ateneo at Angeli Tabaquero bilang representante ng mga atleta.

Pinabulaanan naman ni Suzara na kasama siya sa 5-man body, gayundin sina Ho at Tabaquero.

“Hindi ko alam iyan,” sinabi ni Suzara na nasa Bangkok, Thailand sa kanyang text message.

“I have not agreed to this. FYI,” ayon naman kay Ho sa kanyang Twitter account na @gretchenho.

“Leave the politics to the men. I’d rather do the serving,” pahayag pa nito sa website.

“I decline,” sinabi naman ni Tabaquero.

Asam naman ng nagsamang grupo ng mga tagasuporta ng volleyball sa bansa na ipadama ang buong suporta sa nabuong Philippine men’s at women’s team, gayundin sa kasalukuyang namamahala sa PVF upang mabantayan at alagaan ang kanilang pinakamamahal na sports.

“We will start in Tawi-Tawi,” ayon sa isa sa organizers.

“We want to show to those officials that we are one and united in the volleyball community. We also want to inform the entire country and to show to these officials to have decency in the sports. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa kanila,” pahayag pa nito.