Arestado at nakumpiskahan ng P450,000 ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na Philippine National Police (PNP) ang isang shabu queen sa buy–bust operation sa Pampanga, iniulat kahapon sa main office ng ahensiya sa Quezon City.

Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Amina D. Timbona, 27, naninirahan sa Purok 5, Tambacan, Iligan City.

Base sa report na nakarating kay Usec. Cacdac, ganap na 8:00 ng gabi kamakalawa nang arestuhin ng PDEA Regional 3 (PDEA RO3) sa pamumuno ni Director Jeoffrey Tacio, at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) si Timbona makaraang makipagtransaksyon sa poser buyer ng PDEA sa Dau Bus Terminal saMabalacat City, Pampanga. Nasamsam sa kanya ang 300 gramo ng shabu.

Siya ay nakaditine ngayon sa PDEA RO3 at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian