Mga laro ngayon (Smart-Araneta Coliseum):

4:15pm -- Rain or Shine vs. Alaska

7pm -- San Miguel Beer vs. Talk ‘n Text

Nakasilip ng pag-asa upang matupad ang asam nilang outright semifinals berth, tatangkain ng Rain or Shine na palawigin pa ang naitalang limang sunod na panalo sa pagsagupa nila sa Alaska sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mas naging malinaw ang tsansa ng Elasto Pianters na makamit ang isa sa dalawang outright semifinals slot matapos ang pagkatalong natamo ng dating namumunong Aces sa huling laro nito sa kamay ng Barangay Ginebra San Miguel noong nakaraang Martes sa Mall of Asia Arena.

Bunga ng nasabing 92-101 na kabiguan ng Aces sa Kings, bumaba ito sa ikalawang posisyon taglay ang barahang 8-2, panalo-talo, may isang panalo na lamang ang agwat sa pumapangatlong Rain Or Shine na may barahang 7-2.

Huling ginapi ng Elasto Painters para sa ikalimang dikit nilang tagumpay at pampitong pangkalahatan ang defending champion na Purefoods Star, 83-74.

Ganap na alas-4:15 ng hapon ang pagtutuos ng Rain or Shine at ng Alaska na susundan naman ng salpukan sa pagitan ng San Miguel Beer at Talk ‘N Text ganap na ika-7 ng gabi. Sa panig naman ng Aces, tiyak namang magsisikap ang mga ito na makabangon mula sa natamong ikalawang pagkabigo at hindi masayang ang kanilang magandang panimula.

Ngunit kinakailangan ng coaching staff ng Aces kung paano makakahanap at makakahugot ng sapat na suporta ang kanilang itinuturing ngayong top gun na si Calvin Abueva na sa kabila ng pagiging consistent sa pagtatala ng double-double performance tuwing laban ay nabigo namang maipanalo ang kanilang koponan.

Samantala sa tampok na laro, tatangkain ng namumuno ngayong San Miguel Beer na ganap na makopo ang unang outright semifinals berth sa pagsagupa nito sa Talk ‘N Text na tatangkain namang maiutloy ang nasimulang 3-game winning streak na nag-akyat sa kanila sa ika-apat na puwesto taglay ang barahang 7-3, panalo-talo matapos padapain ang reigning titlist Star Hotshots noong nakaraang Miyerkules,100-96 sa larong natapos sa extension period.