Natagpuan ng Russian rescue operation team ang 12 bangkay habang pinaghahanap pa ang 41 sakay ng lumubog na South Korean fishing vessel na Oriong-501 trawler sa karagatan ng Bering sa Russia noong Lunes.

Kinumpirma ng South Korean Foreign Ministry na kabilang sa mga narekober ng awtoridad doon ang pitong Indonesian, tatlong South Korean at isang Pinoy.

Unang na-rescue ng Russian authorities ang pitong sakay ng lumubog na barko kabilang ang isang Russian official, tatlong Indonesian at tatlong Pinoy habang isang bangkay ng South Korean ang narekober.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakaligtas na tatlong Pinoy na sina Rowell Aljecera, Micol Sabay at Teddy Parangue, Jr.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad namang ipinadala ng DFA ang contingent ng Embahada ng Pilipinas sa Moscow sa pinangyarihan ng trahedya upang tutukan ang isinasagawang rescue operations at maagapayan si Aljecera na nasa Zalive Zabiyaka habang sa Karolina-77 naman dinala ng rescuers sina Sabay at Parangue

Nadiskubre ng awtoridad na walang laman at sira ang apat na lifeboat ng barko na posibleng sapilitang sinuong ng mga sakay nito ang nagyeyelong dagat.

Sa ulat ng South Korean government at operator na Sajo Industries, may 60 sakay ang Oriong-501 kasama ang 11 South Korean,13 Pinoy at 35 Indonesian nang mangyari ang insidente habang nagkakarga ng isda ang barko nang hampasin ng malalaking alon na nagpalubog dito.