“Isang beses lamang magamit ang benepisyo ng miyembrong senior citizen.”

Ito ang binigyan-diin ni Dr. Israel Francis Pargas, vice president for corporate affairs ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City, upang bigyan-linaw ang ilang katanungan dahil sa pagpasa sa batas na ginagawang awtomatikong miyembro ang mga senior citizen.

“Gaya ng regular na miyembro, ang mga senior citizen ay mayroong 45-araw kada taon para magpagamot. Kapag naubos ang package ay hindi maaaring gamitin ang benepisyo ng kanyang anak kung saan kasama ang magulang bilang beneficiary,” paliwanag ni Dr. Pargas.

“Kung katutuntong o isang araw matapos maging senior citizen ay nagpagamot na, sakop na siya ng PhilHealth,” wika pa Dr. Pargas.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aniya, maaaring i-enrol agad o iproseso ang mga papeles para sa coverage at pagbabayad sa gastos ng senior citizen. “Kailangan lamang ay ID na nagpapatunay ng kanyang edad.”

Ipinabatid ni Dr. Pargas naging epektibo ang batas noong Nobyembre at hinihintay na lamang ang implementing rules and regulations (IRR) dito.