Andrew Wiggins, Michael Carter-Williams, Mo Williams

MINNEAPOLIS (AP) - Naiwasan ng Philadelphia 76ers na mapantayan ang rekord ng kanilang pinakapangit na pag-uumpisa sa isang season sa kasaysayan ng NBA at tinapos ang kanilang 0-17 skid sa pamamagitan ng pagkuha sa 85-77 na pagwawagi kontra Minnesota Timberwolves kahapon.

Gumawa si Michael Carter-Williams ng 20 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists habang nagdagdag si Robert Covington ng 17 puntos upang isalba ang Philadelphia sa pagtabla sa 0-18 start na naitala ng New Jersey Nets noong 2009-10.

Sakaling natalo sila sa Timberwolves, mapapantayan nila ang 2009-10 New Jersey Nets para sa worst starts sa isang season sa kasaysayanng liga sa 0-18. Marami sa manlalaro ng Sixers, kabilang ang point guard na si Carter-Williams at coach Brett Brown, ay bahagi ng koponan na natalo ng 26 sunod na laro noong huling season, na tumabla naman para sa rekord ng consecutive losses.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang talang one-and-17 ay masarap sa pakiramdam.

"For me personally, I think it's a big relief off my chest," saad ni Carter-Williams." And the same is for the rest of the guys now tha t we got a win."

Partikular ito para sa unang panalo ng isang koponan na may pinakabatang roster sa kasaysayan ng liga. "We feel like this validates the work they've put in," ani Brown. "I just have a tremendous amount of respect for the fact that they never once quit on themselves, short-circuited a practice, and they were rewarded tonight."

Nakakuha lamang ng Sixers ang 39 porsiyento kontra sa pinakamahinang depensa sa NBA, 19 beses nai-turn over ang bola at umiskor lamang ng siyam na puntos sa second quarter.

Nagtala si Gorgui Dieng ng 15 puntos at 16 rebounds para sa Timberwolves. Ngunit 35.7 porsiyento lamang ang shooting ng Minnesota patungo sa kanilang ika-ll pagkatalo sa 13 laro.

"That's what makes it bad," lahad ni Wolves forward Corey Brewer. "They play that bad and we still lose? We have to look at ourselves, man. It's tough. We can't lose that game, period."

Hindi nakapaglaro para sa Sixers ang kanilang leading scorer na si Tony Wroten at backup point guard na si Alexey Shved (hip), na nag-iwan sa kanila ng isang point guard sa laro.

Naipasok ni Carter-Williams ang siyam sa kanilang 20 attempts habang si Covington, hinatak mula sa D-League, ay nakapagbigay ng dalawang malaking 3-pointer sa fourth quarter upang bigyan ang Sixers ng 69-64 na abante.

Tinapos ni Mo Williams ang isang 11-2 spurt sa isang 3-pointer na nagbigay sa Wolves ng 75-73 kalamangan sa huling 2:18. Ngunit bumawi si K.J. McDaniels mula sa kanyang unang dalawang airball na 3-pointers at ipinasok ang kanyang sumunod na attempt mula sa arko at sinundan ito ng isa pang 3 ni Covington para sa quarter sa natitirang 1:15 upang selyuhan ang laban.

"Congrats lil homies," ang mensahe sa Twitter ng Sixers great na si Allen Iverson tweeted. "Keep fighting and stay strong."

Resulta ng ibang laro:

Atlanta 112, Miami 102

Washington 111, LA Lakers 95

Chicago 102, Charlotte 95

Boston 109, Detroit 102 (OT)

Brooklyn 95, San Antonio 93 (OT)

Houston 105, Memphis 96

Dallas 107, Milwaukee 105

Toronto 123, Utah 104

LA Clippers 114, Orlando 86