MULING maghahatid ng napapanahong mensahe ang GMA Network ngayong Kapaskuhan sa paglulunsad ng panibagong koleksiyon ng GMA Christmas Short Films.

Sa ika-9 na taon ng film festival, katuwang ipinagpapatuloy ng GMA ang tradisyong pagbukludin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mga kuwentong nakatuon sa tunay na diwa ng Pasko.

Tampok sa mga kuwento ng inspirasyon at pag-asa ang ilan sa Kapuso stars tulad nina Benjamin Alves, Bettinna Carlos, Kevin Santos, Joshen Bernardo at Miguel Tanfelix. Bahagi rin ng kuwento ang pampasaherong jeepney at ang mga relasyong nakapalibot dito na sumisimbulo ng kulturang Pinoy.

Handog ng GMA kasama ang Yakult, ipapakita sa pelikulang Regalo na mayroong magandang ibubunga sa ating kapwa ang pagpapakita ng kabutihan. Kasama si Miguel Tanfelix, kung paano sinuklian ng isang pamayanan ang kabutihan ng isang Yakult vendor na si Nay Lorna.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ibinabahagi naman sa pelikulang Happiest Pinoy ang kuwento ng buhay nina Rommel Arellano at Winston Maxino. Sa pakikipag-isa ng Cebuana Lhuillier, ang istoryang ito ay magsisilbing halimbawa na sa kabila ng sakit at karamdaman, maaari pa ring lampasan ang mga pagsubok sa buhay.

Sa pelikulang Santa, katuwang ng GMA ang Ladies Choice sa isang istoryang pinagbibidahan nina Bettinna Carlos at Kevin Santos, nakakatuwa ang kuwento tungkol sa isang batang lalaki na gustong malaman ang katotohanan tungkol kay Santa. Ngunit ang matutuklasan niya sa huli ay mas mahalaga pa kaysa sa una niyang gustong imbestigahan.

Sa Sorpresa, nakipag-isa sa KFC ang GMA sa paghahatid ng kuwento tungkol sa isang doktor na iniwan ang kanyang kinagisnang buhay upang makatulong sa mga pasyenteng kapuspalad. Habang malayo sa sariling pamilya, makakahanap si Doc Louie ng tahanan sa katauhan ng isang pasyente at ang kaniyang pamilya na magbibigay sa kanya ng sorpresa sa bisperas ng Pasko. Abangan si Benjamin Alves sa pagganap niya bilang Doc Louie.

Sa pamamagitan ng maiikling kuwentong ito, hinihikayat ng GMA ang mga manonood na ibahagi ang pagmamahal ngayong Pasko. Sa pamamagitan ng social media, maaari nang maglagay ang mga manonood ng personal na mensahe sa kanilang mga paboritong short films at ibahagi ito sa social media account para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Panoorin ang iba pang Christmas short films ngayong Disyembre mula sa Kapuso Network.

Mula nang ilunsad, nagwagi na ng iba’t ibang parangal ang GMA Christmas Short Films mula sa ilang international award-giving body tulad ng AD STARS at Spark Awards, at mula rin sa mga local award-giving body tulad ng Araw Values Awards, Catholic Mass Media Awards, UA&P Tambuli Awards at Panata.