BEIJING (AP) — Sinabi ng China na ititigil na nito ang pagta-transplant ng mga organ na kinuha mula sa mga binitay na preso simula sa Enero 1 bilang tugon sa human rights concerns, iniulat ng state media noong Huwebes.
Matagal nang sinasabi ng international human rights activists at mga kritiko sa bansa na hindi nasusunod ang standard safeguards sa pagkuha ng mga organ mula sa mga preso na maaaring pinipilit na mag-donate.