Ikinairita ng Sandiganbayan First Division ang binitawang biro ng prosekusyon na dapat nang magtaas ng puting bandera ang tinaguriang “pork barrel

scam queen” na si Janet Lim Napoles bilang pagsuko nito sa iba pang sangay ng anti-graft court sa kanyang hangaring makapagpiyansa.

“This division is not bound by the decisions of other divisions,” pahayag ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotahe-Tang sa pagdinig sa bail petition ni Napoles sa Third Division.

Ang pahayag ni Tang ay bilang reaksiyon sa biro ni Atty. Jennifer Se na dapat nang sumuko si Napoles sa pag-aasam nitong mapayagang makapagpiyansa sa Third at Fifth Division ng Sandiganbayan kung saan mayroong din itong nakabimbin na kasong plunder.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Agad namang humingi ng paumanhin si Se sa korte habang iginigiit na biro lamang ang kanyang binitiwang pahayag.

“Hindi ko itinuring na isang biro lamang ang pagpapatigil sa bail hearings,” sabi ni David sa mga mamamahayag.

“It’s unfair for the court,” giit ng mahistrado.