“Kami ang nakaalam sa problema kaya alam namin ang solusyon.”

Ito ang binigyan-diin ni Col. Rodolfo de Ocampo, pangulo ng Port Users’ Confederation, sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa San Juan, bilang reaksyon sa truck ban ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

“Sana bigyan ng konsiderasyon ng Malacañang ang aming rekomendasyon para masolusyunan ang mga problema sa trapiko at port congestion,” wika ni Col. De Ocampo.

Kabilang sa inilatag o mungkahing solusyon ang pagtakda ng 24/7 na ruta ng mga truck, lalo sa Silangang bahagi ng Metro Manila; pagrebisa sa pangongolekta ng iba’t ibang bayarin; pagtakda ng moratorium sa franchising ng truck at pagpapatayo ng elevated road mula NLEx at SLEx.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Sadyang masikip na ang daloy ng trapiko dahil iba ang situwasyon ngayon kesa noon kung saan kakaunti ang tao at sasakyan,” dagdag ni De Ocampo bilang reaksyon sa ipinatupad ng MMDA na truck ban sa Roxas Boulevard.

Ipinabatid ng truckers group na ang publiko lalo ang konsiyumer ang papasan sa bigat ng kawing-kawing na problema sa trapiko at port congestion na napakalaki ang epekto nito sa negosyo o kalakalan.

Naiulat na payag ang mga truckers na dalhin sa ibang pantalan o daungan ang mga cargo.

“Para kaming langgam na kung nasaan ang asukal ay nandoon kami,” himutok ng truckers. Mac Cabrero