Sinuspinde kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang isang traffic constable na nakuhanan ng video sa umano’y nangongotong sa motorista malapit sa isang mall sa EDSA-Shaw na naging viral naman sa social networking site na Facebook.

Ayon kay Tolentino nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang MMDA-Traffic Discipline Office para sa nasabing insidente.

Sinabi ni Tolentino hindi nito kukunsintihin ang mga maling aktibidad na kinasasangkutan ng mga kawani o tauhan ng MMDA.

Hinikayat naman ng MMDA chief ang motorista at publiko na gumamit ng video camera ng kanilang cellphone bilang instrumento sa pagdokumento o pagdetalye ng insidente o aksidente gayundin sa mga ilegal na aktibidad ng traffic enforcer na maaktuhan sa mga lansangan.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Nakita ang video sa Facebook page ng Top Gear Philippines na isang Jay Ramirez ang siyang kumuha ng naturang video malapit sa mall sa EDSA-Shaw at inireklamo rin umano nito sa website ng MMDA subalit hindi ito natugunan.

Binanggit ni Ramirez na ang traffic constable ay sinasabing paupu-upo lamang at tatayo lang kung kokolekta ito ng P20 sa kada bus sa lugar.