Marian Rivera

PANSAMANTALA lang bang iiwanan ni Marian Rivera ang kanyang Marian dance show na final episode na bukas (Sabado, December 6)?

Romantic, touching, naughty at bittersweet finale ang mapapanood dahil ang kanyang groom-to-be ni Marian na si Dingdong Dantes uli ang kanyang special guest.

Matatandaang sa Marian nag-propose sa kanya si Dingdong. Bale iyon ang last dance nila together sa tune ng Only Girl In The World bago ang kasal nila sa December 30.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

May big pre-wedding gift din si Dingdong kay Marian. Ipapakita rin ang coverage ng formal na despedida de soltera ni Marian na ginanap sa Sampaguita Gardens last Wednesday evening. Mapapanood ito pagkatapos ng Magpakailanman, na may hashtag na #MarianMahalKita.

“Mixed emotions na po ako noong final taping day namin,” kuwento ni Marian. “Una po sa lahat, napamahal na sa akin ang Marian. At nagpapasalamat ako sa GMA dahil tinupad nila iyong gusto kong sumayaw sa show, binigyan din nila ako ng chance na makapag-host. Binigyan nila ako ng mga director na bihasa sa ganitong uri show, sina Direk Louie Ignacio at Direk Mark Reyes. Then ang huhusay ng mga dancers na ibinigay nila sa akin, nakita ko ang effort nila na ibigay ang lahat ng talents nila sa pagsasayaw, sa mga co-hosts kong sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose na nag-provide ng song numbers sa show. Alam ko kung gaano nila ako minahal at inalagaan kaya kung matatapos man po ang show, iyong friendship ko sa kanila hindi mapuputol.”

Tinanggihan ba niya ang offer ng GMA-7 na ituloy niya sa season 3 ang show?

“Gusto nila ituloy ko pa rin ang show pero sabi ko sa kanila, tingnan namin next year. Dalawa ang offer nila sa akin, isang soap at ang Marian. Sa ngayon po kasi dapat na rin po akong nagpapahinga, may mga dapat pa rin akong asikasuhin, tulad ng pagpu-promote ko ng My Big Bossing (sa Linggo, sa Market Market), may bridal showers pa ako (live bridal shower sa Eat Bulaga), may mga bigla pang pictorials na pumapasok, at siyempre, ang isa ko pang paghahandaan, iyong magkaanak kami ni Dingdong.”