VICTORIA, Tarlac— Dalawang traffic enforcers ang lubhang nasugatan matapos sindihan ang limang kuwitis sa isinasagawang prusisyon ng Christ the King sa Rizal Street, Barangay Mangolago, Victoria Tarlac. Bigla na lamang sumiklab ang mga paputok na nagdulot ng kalituhan sa mga debotong kasama sa prusisyon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Joselito Gavanes, 31, ng Bgy. Masalasa at Hector Fabros, 48, ng Bgy. Mangolago, Victoria, Tarlac. Sila ay kapwa ginagamot ngayon sa Tarlac Provincial Hospital.

Napag-alaman na ang dalawang traffic enforcers ay pinakiusapang magsindi ng mga kuwitis habang nagpruprusisyon.

Gayon na lamang ang pagkabigla ng mga deboto nang magsagitsitan ang mga kuwitis na sinisindihan ng dalawang traffic enforcers. Ang insidenteng ito ay patuloy pang sinisiyasat ng mga awtoridad.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm