Arestado ang isang Japanese sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) sa San Fernando, La Union.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Tomoaki Ishii, 60, residente ng Apartment No. 5 Oceana Apartment, Brgy. Carlatan, San Fernando, ng nasabing lalawigan.

Sa ulat ng PDEA Region 1, naaresto ang suspek matapos na magbenta ng dalawang pakete ng shabu sa isang PDEA agent.

Narekober sa nasabi ring operasyon sa dayuhan ang isang aluminum foil at sampung piraso ng foil strip.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Kakasuhan si Ishii ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.