Napagtibay ng College of St. Benilde ang kanilang pagkakaluklok sa ikatlong puwesto matapos walisin ang nakatunggaling San Beda College, 25-11, 25-17, 25—17, sa men’s division sa pagpapatuloy kahapon ng NCAA season 90 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan.

Nagposte si Johnvic de Guzman ng 15 puntos, kabilang dito ang 13 hits at 2 blocks upang pangunahan ang nasabing tagumpay ng Blazers, ang kanilang ika-apat sa loob ng anim na laro.

Nag-ambag naman ng tig-11 puntos sa nasabing panalo ng tropa ni coach Arnold Laniog sina Marjun Alingasa at Ron Julian Jordan.

Nanguna naman para sa Red Lions na nasadlak sa ikalimang dikit nitong kabiguan si Angelo Torres na nagtala ng 9 na puntos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ni hindi nakaporma ang Red Lions sa kabuuan ng laban na dominado ng husto ng Blazres na pinulbos sila sa hits, 44-18 bukod pa sa aces (7-2) at digs 23-8).

Nauna rito, nakalusot naman ang Junior Blazers sa matinding hamon ng Red Cubs sa juniors division, sa kanilang iponsteng 5-setter win , 25-22, 15-25, 25-20, 18-25, 15-10.

Umiskor ng 24 puntos si Christopher Joachim de los Reyes na kinabibilangan ng 12 hist at season high 12 blocks para pamunuan ang nasabing panalo ng Junior Blazers, ang kanilang una sa loob ng tatlong laro.

Tumapos namang may 21 puntos si Jester Santos na kinapapalooban ng 17 hits, 1 block at 3 aces para sa natalong Red Cubs na nabaon sa ilalim pagkaraang malasap ang ikatlong sunod na pagkabigo.