Erich & Coco

HINDI na nagawang ilihim pa ni Erich Gonzales ang naudlot na panliligaw sana sa kanya ni Coco Martin.

Itatago na sanang tuluyan ni Erich ang hindi itinuloy na panliligaw sa kanya ng super sikat na aktor pero naipit ang aktres kaya for the first time ay inilahad niya iyon sa Aquino & Abunda Tonight nina Kris Aquino at Boy Abunda.

Ayon sa kuwentuhan ni Erich at ng Queen of All Media, hindi na itinuloy ni Coco ang planong panliligaw dahil napansin ng aktor na laging may suot-suot na singsing ang dalaga.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

May karelasyon na si Erich, na balitang super rich, at ayaw ni Coco na makasira ng relasyon kaya nagpaubaya na lang ang aktor.

Nalaman din namin sa isang taong very close kay Coco na malaki ang pagkagusto noon ng aktor kay Erich simula nang magkasama sila sa Juan dela Cruz kaya ganoon na lang ang panghihinayang niya nang matuklasan niyang may boyfriend na ang aktres.

Pinananatiling pribado ni Erich ang tungkol sa kanyang boyfriend, na ayon sa mga nakakakilala ay scion ng isa sa mga tycoon na pinakamayaman sa Pilipinas.