Hiniling ni Science and Technology Secretary Mario Montejo sa publiko na iwasang gawing biro sa pamamagitan ng frank messages ang hinggil sa sama ng panahon lalo ang bagyo.

“If you find it fun, you should realize that the lives and properties of people to be affected by the typhoon are at stake here,” apela ni Montejo.

Kasabay nito, iniulat ng kalihim na mas komprehensibo ngayon ang pagtaya ng PAGASA sa lakas at bilis ng bagyong pumapasok sa bansa gaya ni ‘Ruby’ na inaasahang tatama sa Visayas region.

“We are now providing most reliable information on typhoon’s entry to Philippine area of responsibility,” ulat ni Montejo.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Katunayan, aniya, maging ang mga dayuhan ay ginagamit ang mga impormasyong nakakalap ng PAGASA.

“Information of PAGASA becomes more reliable than those provided by its foreign counterparts because it is able to acquire more observational data from different field stations in the country,” dugtong ni Dr. Flaviana Hilario, deputy administrator ng PAGASA.

Nabatid na malaking tulong din ang Project NOAH sa mga lokal na pamahalaan para makagawa ng hakbang kapag may sama ng panahon tulad ng paglilikas sa mamamayan.