CANBERRA, Australia (AP)— Nalalapit na ang Australian Parliament sa pagpasa sa panukalang batas na lumilikha ng isang bagong uri ng temporary visa para sa mga refugee na magpapahintulot sa kanilang manatili at makapagtrabaho sa bansa sa loob ng tatlo hanggang limang taon ngunit hindi maaaring maging permanent resident ng Australia.
Mahigit 30,000 asylum seeker na dumating sa Australia simula Agosto 2012 ang kailangan pang ipa-assess ang kanilang refugee claim dahil hindi pumapayag ang gobyerno na manatili sila nang permanente.