NANAWAGAN si Pope Francis noong nakaraang Linggo mula sa istanbul, Turkey, sa mga lider-Muslim na tandisang kondenahin ang isinasagawang terorismo, karahasan at walang habas na pagpatay ng islamic state in Iraq and Syria (ISIS) sa ngalan ng relihiyong islam. nanawagan din ang Santo Papa na wakasan ang persecution o pag-usig sa mga Kristiyano sa Gitnang Silangan. Saan mang anggulo silipin, paano nagagawa ng mga tagasunod ng ISIS na pumatay, manggahasa, pumugot na ang inihihiyaw ay ang pangalan ng islam at ni Allah. Si Allah ay dakilang diyos ng kabutihan, pag-ibig, kapayapaan at pagkakasundo, at ang islam ay para sa pagkakapatiran at pagmamahalan ng mga nilalang sa mundo. Nakausap ni Pope Francis si Turkish President Recep Tayyip Erdogan at sinabi niyang napakaganda at kanaisnais ng mundo kung ang lahat ng Muslim leaders sa daigdig ay lalantad at tuwirang magkokondena sa mga karahasan na kagagawan ng mga terorista na sumisira sa magandang pangalan at imahe ng Islam.

Grabe ang pagnanakaw ng pera ng bayan ng mga tiwali at bulok na pulitiko, lider at lingkod daw ng mamamayan. Ang P900 milyong Malampaya funds na dapat ay mapunta sa kapakinabangan ng mga Pinoy at proyekto para sa kaunlaran, ay nahulog lang pala sa bulsa ng mga pekeng NGOs ni Reyna Janet Limnapoles kasabwat ang mga walang budhing pinunong-bayan. Ang P900 milyong halaga ay mula sa royalties ng Malampaya gas projects sa karagatan ng Palawan.

May lumalabas ngayong Adultery Website na naka-base sa Canada, ang Ashley Madison.com. Ayon sa mga report, nanghihikayat ito sa mga tao sa mundo na makiapid o makipagrelasyon ang isang babae o lalake sa hindi niya asawa. Ito ay ipinagbawal na sa South Korea. nakarating na raw ito sa Taiwan,Japan, Hong Kong, Macau, india at Pinas. Sa Pilipinas na isang Katolikong bansa, mariing kinondena ito ng mga mamamayan. Maging si Speaker Sonny Belmonte at Gabriela Party-List Rep. Luzviminda ilagan, mga may-akda ng divorce Bill sa Kamara, ay kontrang-kontra sa Adultery website na ito na may tagline na “Life is short. Have an affair”. Ano bang kalokohan ito?
National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act