Nakatuon sa finish line ng 38th National MILO Marathon ang runners mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa inaasahang mainit na grand finale ng National Finals na isasagawa sa Disyembre 7 sa SM Mall of Asia Grounds.
Nakataya rin ang grand prize na P300,000 cash, magarang tropeo at ang tsansa na lumahok sa isang international marathon para sa tatanghaling National MILO Marathon King and Queen mula sa hanay ng mga kalahok mula sa buong bansa.
Matagal nang nagsasanay ang kasalukuyang MILO Marathon King at Queen na sina Eduardo Buenavista at Mary Joy Tabal bilang paghahanda sa kanilang pagsagupa sa kapwa elite runners na sina Eric Panique, Christabel Martes, Anthony Nerza at Philip Dueñas sa paglahok sa iba’tibang international race event.
“I have been training hard in preparation for the National Finals. I think my fiercest rival would be Ricky Panique,” sabi ni Buenavista, ang five-time MILO Marathon King. “My target is to get into the Top 3 finishers, but I am confident that I have what it takes to win the MILO Marathon King title once again.”
Dagdag din sa aktibidad na pupuno sa kasiyahan ang celebrity at fitness advocate na si Kuya Kim Atienza at dating congressman Gilbert Remulla na lalahok sa 21K running event habang ang actress LJ Reyes ay sasali sa 10K event.
Inaasahan din ang pagtakbo ng runners mula sa iba’t-ibang edad, mga estudyante, nanay, bata at miyembro ng pamilya na lalahok sa 3K at 5K events.
Bilang suporta sa mga kabataang Pilipino, magbibigay ang MILO sa 16,000 underprivileged youth ng bagong running shoes ngayong taon upang maabot ang 50,000 marka sa isinasagawa nitong Help Give Shoes advocacy.
Ngayong taon ay ang mga little champions sa Tacloban ang tatanggap ng regalo. Ang mga sapatos ay may kasama na mga Messages of Hope na kasamang ipapadala sa mga bata.
Ang mga runner at avid MILO drinkers ay maaaring sumulat ng message of inspiration sa mga foot cutout sa Help Give Shoes booth habang isinasagawa ang MILO Marathon National Finals.
Maaari rin magbigay mensahe ang mga Netizens sa hashtag #MessagesOfHope, o pagpost sa MILO Philippines Facebook page (https://www.facebook.com/milo.ph), tweet sa @MILOPH on Twitter, o tagging @MiloPhilippines sa Instagram.
“As we near the close of this year’s MILO Marathon season, we would like to thank the support of everyone who made this big success possible,” sabi ni Andrew Neri, MILO Sports Marketing Manager. “We are very excited for the upcoming finale that is sure to be a thrilling end to a great running season. We invite everyone to join us in cheering on our runners as they race to the finish line, and be one with us as a Filipino sports community in our celebration at this grand running event.”
Ang gun start sa kalahok sa 42K run ay 3:00AM, ang 21K run sa 4:30AM, 10K run sa 5:00AM, 5K run sa 5:35AM at ang 3K run sa 5:30AM. Ang starting line ay katabi lamang ng finish line sa Seaside Boulevard ng SM MOA.
Ang 38th National MILO Marathon ay suportado ng Timex, the Bayview Park Hotel Manila, ASICS, Lenovo, Manila Bulletin at Gatorade at iniendorso ng Department of Education, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.