Pinadalhan ng subpoena sa pagdinig ng Quezon City court ang dalawang gabinete ni dating Pangulong Gloria Arroyo bilang mga potential witness na ipiprisinta sa korte kaugnay ng Maguindanao massacre case.

Ito ay makaraang igiit ni Atty. Salvador Panelo, abogado ng pangunahing suspek na si Andal Ampatuan sa korte na i-subpoena sina dating Justice Secretary Agnes Devanadera at dating Press Secretary Jesus Dureza para magbigay ng impormasyon na kanilang nalalaman tungkol sa naturang kaso.

Iginiit ni Panelo sa korte na ipatawag din si dating Shariff Aguak vice mayor Ameerah Ampatuan Mamalapat, isang Nickardo Uy Galang, commissioner ng Bureau of Immigration o representative ng naturang ahesiya at pinuno ng passport division ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa subpoena sa mga suspek, nakasaad sa 11-pahinang omnibus motion na isinampa ni Panelo sa QC Regional Trial Court Branch 221 na may hawak sa naturang kaso.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakasaad din sa mosyon ni Panelo na bigyan siya ng hanggang February 2015 para maihanda ang mga ebedensiya na ipiprisinta sa korte kaugnay ng naturang kaso.

Aniya, ang pagkamatay ng dalawang potential witness sa kaso na sina Denex Sacal at Nellymar Sali sa Maguindanao noong nagdaang buwan ay nakaapekto rin sa takdang pagpiprisinta nila ng kanilang witnesses kaugnay ng kaso.

Si Sacal ay namatay sa ambush noong Nobyembre 24 habang si Sali ay pinagbabaril noong Nobyembre 10.

Hiniling din ni Panelo sa korte na payagan siyang maiprisinta ang mga saksi kahit walang naipapalabas na judicial affidavit at may tatlong buwan pa lamang niyang nahahawakan ang kasong ito kayat kailangan niya ng mahabang oras para mabusisi ang mga dokumento kaugnay ng Maguindanao massacre.