KALIBO,Aklan— Nahilo ang 13 katao sa kinaing panis na bigas na ipinagkaloob sa kanila ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ayon kay George Calaor, ng militanteng grupo na BAYAN-Aklan binigyan sila ng 1,500 kilo ng PSWDO kasunod ng request nila dahil sa nararanasang gutom ng mga taga-Aklan.

Ipinamahagi nila ito sa mga mahihirap na residente at matapos makakain ang ilan sa mga nabigyan ay nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka.

Ayon kay Calaor, nananawagan sila sa mga nabigyan ng napanis na bigas sa ibat ibang bayan sa Aklan na ibalik sa kanila ang bigas. Ibabalik din nila ito sa opisina ng PSWDO.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang opisina ng PSWDO sa nasabing insidente.