Hiniling ng prosekusyon sa Sandiganabayan na mailipat na sa regular na piitan si Senador Ramon “Bong” Revilla,0 isa sa mga akusado sa plunder at graft cases kaugnay ng multi-billion pork barrel fund scam.

Isinagawa ng taga-usig ang kanilang hakbang makaraang tanggihan ng 1st Division ng anti-graft court ang hiling na piyansa ng senador sa kasong plunder.

Tiniyak ni prosecution panel chief Joefferson Toribio na desidido sila na matuloy na mailipat si Revilla sa isang piitan na pangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nakatakda ring ihirit ng prosecution panel na magpalabas ng garnishment o pagsamsam sa mga ari-arian ni Revilla.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists