Nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na makinabang ang mga konsumidor sa epekto ng patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon sa DTI halos 30 porsiyento na ang ibinaba ng presyo ng petrolyo kaya marapat na rin bumaba ang halaga ng mga bilihin gayundin ang mga serbisyo.

Nanawagan ang kagawaran sa mga negosyante na magbaba ng presyo ng kanilang mga produkto dahil na rin sa pagbaba ng kanilang gastusin sa produksiyon at pagde-deliver ng mga ito sa mga pamilihan.

Batay sa pag-aaral ng DTI ilan sa bilihin na maaaring bumaba ng P0.99 ang bawat 25 grams na kape, P0.90 sa evaporated milk, P0.22 sa 155 grams na lata ng sardinas at P0.25 sa kada limang kilo ng harina.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makikipagpulong ngayong linggo ang DTI sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para sa pagbabago o adjustment ng suggested retail price (SRP) ng agriculture at non-agriculture products bunsod ng pagbaba ng presyo sa petrolyo nitong mga nakaraang buwan.

Samantala panahon na umano para makinabang din ang mga pasahero sa pagbaba ng singil sa pasahe sa mga pampublikong transportasyon tulad ng bus, jeepney at iba na karaniwang gumagamit ng diesel at gasolina dahil sa pagbaba ng presyo ng petrolyo.

Nasa kasalukuyang P12 ang minimum fare sa bawat apat na kilometro na layo kapag sumakay ng bus habang P8.50 naman ang singil sa pasahe sa jeep.