Magsusumite na ng kanilang mga Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga mahistrado ng Sandiganbayan.
Ito ay makarang pahintulutan ng Supreme Court (SC) na mabigyan ng kopya ang BIR ng SALN ang mga mahistrado ng Sandiganbayan.
Nobyembre 18 nang lagdaan ni SC En Banc Deputy Clerk of Court Atty. Felipa Anama, ang resolusyon na pinagbibigyan ng hukuman ang ilang kahilingan ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares kaugnay ng kopya ng mga SALN ng Sandiganbayan Justices sa nakalipas na tatlong taon.
Sakop ng kautusan ang SALN ng mga mahistrado ng anti-graft court para sa 2011, 2012 at 2013.
Gayunman, hindi pinahintulutan ng SC na mabigyan ang BIR ng kopya ng SALN ng mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.
Iginiit ni Henares noong Marso 2014, na mabigyan siya ng kopya ng SALN ng mga mahistrado dahil sa pagsasagawa ng tax investigation kasunod ng lumutang na Ma’am Arlene controversy sa hanay ng hudikatura.