Inaresto ng mga awtoridad ang isang suspek na nagpanggap na may hawak ng isang nawawalang mentally retarded na lalaki sa Quezon City iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Wilson Delos Reyes, hepe ng Cubao Police Station 7, ang suspek na si Angelo Atayde, 24, walang trabaho at residente ng No. 37 Mabilis st., Cubao, Quezon City. Si Atayde ay nasukol ng mga tauhan ng QCPD PS 10 sa entrapment operation sa Farmers Plaza, Cubao dakong 5:00 ng hapon.

Sa reklamo ni Roselle de Castro, nag–text sa kanya si Atayde at sinabing nasa pangangalaga nito ang kanyang mentally retarded na kapatid na si Ramon at humingi ng pabuyang P10,000.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga