Nagsabit ng mga parol ang mga miyembro ng Rise for Education Alliance, College Editors Guild of the Philippines (CEGP), National Union of Students of the Philippines (NUSP) at lider ng mga estudyante sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila, upang igiit sa Commission on Higher Education (CHEd) na pigilan ang pagtaas ng tuition at iba pang bayarin.

Samantala, nagkampo sa harap ng Department of Education ang mga guro at estudyante, kasama ang mga Lumad, upang paalisin ang mga militar na nagkakampo sa mga paaralan.

“Gusto nating ipakita kung ano ang kalagayan nang na-displaced sa digmaan,” diin ni Ms. Annabelle Campos, guro ng Tribal Filipino Program ng Surigao del Sur, at binanggit na dapat bawiin ang DepEd Memorandum 221.

Iginiit ni Madella Santiago, tagapagsalita ng Save Our Schools Network, na nalalabag ang karapatang pantao ng mga bata dahil ginagawang barracks ng military ang mga paaralan sa magugulong lugar.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race