MAY Pinay teen singer na gumagawa ng pangalan sa entertainment scene ng Riyadh, Saudi Arabia, si Lara Lisondra, 14 years old.

Kasalukuyang ipino-promote ng dalagita na binabansagang Pinay Teenstar ng Riyadh ang kanyang second single na pinamagatang Kung ‘Di Ako Mahal under GENEOM Records.

Ang first single ni Lara ay pinamagatang ‘Di Na Kakayanin Pa mula sa kanyang debut album entitled Simply Lara na nagkaroon ng grand launching noong Mayo sa Riyadh.

Naglalaman ang album niya ng 10 tracks. Bukod sa tatlong original Pilipino songs na nilikha ng kanyang talent manager, voice coach, at mentor na si Gene Juanich, mayroon ding cover versions ng mga kantang The Best Day at Dance With My Father, at minus one ng limang kanta ni Lara.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Abala ngayon ang dalagita sa guestings sa iba’t ibang weekly events ng mga Filipino community sa naturang bansa. Regular performer siya sa Riyadh Elite Dancers’ (RED), Party Pipz Connexion (PPC), The Rising Sun, at The Crown.

Si Lara ay ipinanganak sa Saudi Arabia sa mga Pilipinong magulang na nakabase roon. Kasalukuyan siyang third year high school sa Al-Dana International School. Early next year ay babalik sa Pilipinas si Lara para sa kanyang next album.

Para sa iba pang info sa album ni Lara, maaaring makontak ang kanyang manager/producer na Mr. Gene Juanich sa [email protected] o mobile # +966-54-9360158.