Disyembre 4, 1973, nang magpadala ang Pioneer 10 ng National Aeronautics and Space Administrations ng mga malapitang larawan ng planetang Jupiter, matapos ang higit sa isang taon na paglalakbay sa kalawakan.

Naglakbay ang Pioneer 10 ng 81,000 milya (130,000 kilometero) sa ibabaw ng ulap ng Jupiter, at ito ang unang space craft na nakarating sa nasabing planeta, tinahak ang mga mapanganib na ruta sa pamamagitan ng asteroid belt. Nailunsad ang nasabing kagamitan noong Marso 2, 1972, at kinunan ng litrato ang mga buwan sa Jupiter, ang Europa at Ganymede, at inobserbahan ang magnetosphere, radiation belts, atmosphere at interior ng nasabing planeta.

Sa pagiging matagumpay, nagamit din ang asteroid belt sa mga sumunod na paglalakbay, partikular na sa Voyager 1 and 2, Galileo spacecraft, Saturn-bound Cassini-Huygens at bagong ruta ng Horizons patungong Pluto. Noong Enero 2003, nagpadala ang Pioneer 10 ng senyales sa Earth, at hindi naglaon ay sumali sa Voyager 1.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon