Jamie Rivera

MULING magiging prominente ang multi-awarded Inspirational Diva na si Jamie Rivera sa pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis.

Matatandaan na nang dumalaw noong 1995 sa ating bansa si Pope John Paul II, na ngayon ay santo na, ay namayani sa airwaves ang boses ni Jamie dahil ang komposisyon ni Trina Belamide na Tell The World of His Love na inirekord niya ang ginamit na theme song sa World Youth Day.

Nitong nakaraang Lunes, inilunsad naman ng Star Music ang special Papal visit album na We Are All God’s Children na naglalaman ng official theme song ng pinakahihintay na pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa Enero.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang kantang We Are All God’s Children ay sinulat at inawit ni Jamie Rivera at nilapatan ng musika ni Noel Espenida. Ito ay aprubado ng Vatican City.

Kuwento ni Jamie, naging inspirasyon sa pagsulat niya ng kanta ang kababaang-loob ng Santo Papa. Hangad niyang mapalaganap ang “Mercy and Compassion” na tema ng Papal Visit 2015 sa pamamagitan ng kanyang komposisyon.

“Hinihimok ng kanta ang lahat ng anak ng Diyos na iparamdam ang pagmamahal at maging mapagmalasakit sa mga nangangailangan. Dapat tayo tumulong nang masaya at buong pagpapakumbaba,” sabi ni Jamie.

Katulad noong 1995 World Youth Day nang dumalaw sa Pilipinas si John Paul II, ang official theme song para sa 2015 Papal visit ay mayroon ding actions at hand gestures na likha ni Landa Juan.

Bukod sa We Are All God’s Children, inawit din ni Rivera sa album ang mga kantang Our Dearest Pope, The Mission, at Papa Francisco, Mabuhay Ka.

Nagbahagi rin ng talento para sa 2015 Papal visit album ang ilan sa pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa kabilang sina Jed Madela at Angeline Quinto (On Eagles Wings), Liezel Garcia (Anima Christi), Janella Salvador (Give Thanks), Fatima Soriano (Lift Up Your Hands), Aiza Seguerra (Lead Me Lord), Erik Santos (Lord, I Offer My Life To You), Juris at Robert Seña (One More Gift), at Morissette Amon (Take and Receive).

Ang We Are All God’s Children album ay available na record bars nationwide. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.