Isang araw matapos hilingin ng mga napiling miyembro ng pambansang koponan sa volleyball na hayaan na lamang ang kasalukuyang mga namumuno, muling lumutang ang dating pangulo na si Gener Dungo upang okupahan ang iniwanang posisyon bilang sa Philippine Volleyball Federation (PVF).

Base sa ipinadalang sulat ni Dungo noong Nobyembre 29, 2014, inihayag nito na napagtanto na niya ang mga kailangan sa pagdebelop sa volleyball na siyang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa puwesto at agad na hihiling sa kasalukuyang pamunuan ng PVF na mapanatili ang kanyang pwesto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The realization of this quest for the development is the reason of my return. I humbly ask for the reactivation of my post as the president of the PVF, equipped with the prime aim to prepare and season the confederacy for the general assembly and upcoming election,” ayon sa sulat nito sa PVF.

“I intend to work hand in hand with other officials in innovative pursuit, To pursue this objective, we find the need to scrutinize and identify the genuine stakeholders who can further augment the development of volleyball in our country. I shall devote the remaining days of my term as the president of PVF, in the identification and selection of the legitimate stakeholders of volleyball nationwide, to pave the right way to the future leaders of our beloved sports,” sinabi pa ni Dungo.

“In lieu of the above, may I request the PVF board of directors/interim board to arrange a board meeting effective immediately to discuss the reactivation of my presidency and take this opportunity to layout the plans for the general assembly and upcoming election. Let the duly elected board of directors of PVF handle the leadership to the next administration,” ayon sa isang pahinang sulat.

Si Dungo ay kabilang naman sa grupo ni Edgardo "Boy" Cantada na biglaang lumutang upang buuin ang dating mga miyembro ng PVF Board. Iniluklok si Cantada bilang Chairman kapalit ng namayapa na si Pedro Mendoza.

Ang ibang dumalong opisyales ay sina Minerva Dulce Pante, Vangie de Jesus, Victor Abalos at D’Artagnan Yambao.

Ang anak ni Cantada na si Gerard ang itinalaga namang PVF secretary general.

Matatandaan na una nang pinagbitiw ng Philippine Olympic Committee (POC) si Dungo hinggil sa serye ng reklamo, partikular ang pondo ng asosasyon at pagsasamantala sa mga kababaihang manlalaro na naging dahilan kung bakit walang dumadalo sa mga ipinapatawag nitong try-out para sa pagbuo ng pambansang koponan.

Inireklamo din ang pagpapabaya niya sa asosasyon matapos na walang nabuong pambansang koponan kung saan ay huling nagkaroon ng PH men’s at women’s team noong 2005 na lumaban sa Manila SEA Games sa Bacolod City. Kapwa lumubra ang koponan ng tansong medalya.

Samantala, napilitan naman na mag-ensayo ang binuong Philippine women’s volleyball team sa ilalim ng punong mangga sa tapat ng lumang Rizal Memorial swimming pool matapos na hindi payagan na makapag-ensayo sa mga pasilidad ng 78-taong coliseum dahil sa nagaganap na kaguluhan sa liderato ng PVF.

“Kailangan namin na magbayad para makagamit sa venue dahil hindi naman daw kami kinikilala bilang national team,” giit ng opisyal.

“Hindi na rin kami pinapagamit sa Philippine Center for Sports Medicine,” dagdag pa nito.

Dahil sa hindi pinayagan na makagamit ng venue ay nagkasya na lamang ang PH women’s team at men’s team na magsagawa ng kanilang running, calisthenics at stretching exercises sa kalsada sa loob ng Rizal Memorial Stadium.