Inihayag ng Department of Justice (DoJ) na kumbinsido sila na nagsasabi nang totoo ang tatlong neophyte na nakasama ng namatay na si Guillo Cesar Servando na sumailalim sa initiation rites.

Ayon sa DoJ, dahil sa mga matibay na pahayag nina John Paul Raval, Lorenze Anthony Agustin at Levin Roland Flores, na pawang mga nakaligtas sa hazing, nakumbinsi sila na pawang katotohanan ang kanilang mga salaysay kaugnay sa insidente.

Positibong naituro ng tatlo ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na naroon sa lugar habang nagaganap ang initiation rites. Malinaw din nilang nailahad ang nangyari noong Hunyo 28, 2014 lalo pa’t hindi sila piniringan.

Hindi kinontra ng mga respondent, na ang iba ay nakalabas na ng bansa, ang mga salaysay ng tatlo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa talaan ng Bureau of Immigration (BI), ang mga respondent na sina John Kevin Navoa, Eleazar Pablico, Hans Killian Tatlonghari, Esmerson Nathaniel Calupas at Alyssa Federique Valbuena ay nakaalis na ng bansa.

Inabsuwelto naman sa kaso sina Carl Francis Loresca at Steven Jorge Penano na bagamat natukoy na naroon sa pinangyarihan ng hazing ay hindi kasama sa mga nanakit sa mga biktima.

Absuwelto rin sa kaso ang caretaker ng bahay na pinangyarihan ng hazing na si Jemar Pajarito, nang paboran ng DoJ ang kanyang argumento na wala siyang nalalaman sa planong initiation rites at hindi rin siya nagkaroon ng partipasyon dito.

Noong Martes, kinasuhan ng DOJ ang 14 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity sa paglabag sa Republic Act 8049 (Anti-Hazing Law of 1995) kaugnay sa pagkamatay ng estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde na si Guillo Cesar Servando sa isang initiation rites sa Makati limang taon na ang nakalipas.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Cody Errol Morales, Daniel Paul Martin Bautista, Kurt Michael Almazan, Esmerson Nathaniel Calupas, Hans Killia Tatlonghari, Eleazar Pablico III, John Kevin Navoa, Vic Angelo Dy, Mark Andrew Ramos, Michael David Castaneda, Justin Francis Reyes, alias “Kiko,” alias “Bea,” at Jane Doe. Lahata ay pinaghahanap.

Kapag napatunayang nagkasala ang mga akusado, sila ay nahaharap sa parusang reclusion perpetua na may katumbas na 40 taong pagkakakulong.