CABANATUAN CITY - Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makararanas ng hanggang siyam na oras na brownout sa ilang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija ngayong Huwebes.

Ayon kay Ernest Lorenz Vidal, Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs officer, mawawalan ng kuryente simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang mga kostumer ng Tarlac Electric Cooperative (Tarelco), na nagseserbisyo sa mga bayan ng San Manuel, Moncada, Paniqui, Anao, Gerona, Pura, Sta. Ignacia, Victoria, San Clemente, Mayantoc, Camiling at San Jose sa Tarlac.

Brownout din sa Nampicuan at Cuyapo sa Nueva Ecija.

Samantala, daranas naman ng apat na oras na brownout ang buong Tarlac City mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente