PORMAL nang inilunsad ng Backroom Inc. ang kanilang social media portal na www.backroom.ph, kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo noong Nobyembre 25 sa Astoria Chardonnay, Captain Javier Street sa Pasig City.
Ang iba’t ibang social media platform ng nasabing site, maaaring alamin ng publiko ang activities o projects ng kanilang paboritong Backroom artists.
Bilang bagong social media portal, interactive ang www.backroom.ph at maaaring maka-chat ng fans ang kanilang paboritong artists, makakuha ng update at malaman ang mga ginagawa nila sa likod ng camera.
Matatagpuan din sa bagong Backroom website ang video archive section para sa video clips at concert snippets, photo gallery section ng mga artista mula sa pictorial at makiuso sa mga damit, at ang marketplace section na magagawa ng fans at artists na magbahagi, makipagpalitan, at bumili ng luma at bagong gamit.
Itinatag ang Backroom Incorporated noong 1989 ng award-winning television host na si Boy Abunda. Taong 2012, siya ang tumayo bilang president at managing director ng kumpanya at humubog sa limang empleyado.
Nakilala ang Backroom, Inc. bilang isa sa mga matagumpay na kumpanya sa bansa pagdating sa artist booking at career management, public relations, promotions, multi-media publicity, at concert production.
Upang makasunod sa bagong henerasyon, pinaunlad ng Backroom, Inc. ang kanilang espesyalisasyon sa pamamagitan ng pagtanggap ng espesyal na proyekto katulad ng product launch, events management conceptualization and staging, at movie production.
Ang mga stellar league ng artista sa kuwadra ng Backroom ay binubuo nina Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Bianca Gonzalez, Julius Babao, Karen Davila, Amy Perez, Sitti Navarro, Gelli de Belen, Drew Arellano, Mariel Rodriguez, Tintin Bersola-Babao, K Brosas, Aiko Melendez, Ariel Rivera, Pooh, Ima Castro, Dominic Ochoa, Direk GB Sampedro, Arnold Reyes, Duncan Ramos, Mauro Lumba, Benj Bolivar, Carlo Sawit, PJ Go, Kaye Chua, Avery Paraiso, Jennica Ollero, Junnel Manansala, AiAi delas Alas, at Boy Abunda.