Nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ipapasa ang walo sa siyam na panukalang batas bago ang Christmas break sa Disyembre 17.
“We are resolved to finish priority measures, in recognition of their immense benefits to the public and the urgency needed to properly effect such legislation,” paniniyak ni Senate President Franklin Drilon.
Kabilang sa mga ipapasang panukalang batas ang pagtaas sa tax exemption ng 13th month pay at ibang mga bonus mula sa P30,000 ay gagawing P82,000, Fair Competition Act “ upang pasiglahin ang ekonomiya, pagtaas sa subsistence allowance ng mga sundalo, pagpalakas ng Sandiganbayan, pagbuo ng open high school system para sa mga out of school youth, pag-amyenda sa Fisheries Code, pagbasura sa premature marriages at ang pag-ayon sa bentahan ng Zest Airways sa Air Asia Philippines.