TARLAC CITY - Dalawang hinihinalang holdaper na pinaniniwalaang tirador ng tangke ng LPG ang nalambat ng mga operatiba ng Police Community Precincts 2 sa Block 5, Barangay San Nicolas, Tarlac City, noong Martes ng hapon.

Isang tangke ng Gasul at tangke ng Solane ni Joseph De Jesus, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Vicente ang tinangay umano nina Jayson Salvador, 26, ng Bgy. San Nicolas; at Ric James Rocha, 27, ng Zone 5, Bgy. Balibago 2nd, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Wilson Ducusin, tumanggi si Manilyn Genese, 28, cashier, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City na buksan ang pintuan ng opisina nang makita ang dalawang armadong suspek kaya tinangay na lang ng mga ito ang dalawang tangke ng LPG na nagkakahalaga ng P3,000 at isinakay sa tricycle (SU-3045).
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm