Yeng Constantino

HABANG papalapit ang pakikipag-isang dibdib ni Yeng Constantino sa kanyang boyfriend na si Christian “Yan” Asuncion sa Valentine’s Day sa susunod na taon ay bumuo ng bagong album sa Star Music ang multi-awarded singer-songwriter.

Huling-huli ang kanyang nadarama habang binubuo ang album sa titulo nitong All About Love. At kaya rin naman nakakakilig na original love songs ang laman nito, na available na sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350 at maaari na ring ma-download ang digital tracks sa iTunes, Mymusicstore.com.ph, at Starmusic.ph.

Kaya “labor of love” ang lahat ng mga awitin sa album na magkatulong nilang sinulat ni Yan kasama ang kanilang ilang kaibigan.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

May dalawang komposisyon ang Pop-Rock Princess sa kanyang album: ang Dance Without the Music at ang carrier single na Ikaw, na kasalukuyang numero unong kanta sa bansa at most-viewed local music video sa YouTube na may halos 10 million views.

Kabilang naman sa mga obra ni Yan ang Shining Like the Sun (Baby Are You Ready), Your Love Is My Relief, at What’s Up Ahead.

Laman din ang iba pang love songs sa All About Love tulad ng Dito Ka Lang Sa Tabi na nilikha ni Toto Sorioso, Feels Like ni Gus Abarquez, So Beautiful ni Jonathan Manalo, Ferris Wheel ni Jed Dumawal, at Una’t Huling Pag-ibig ni Ebe Dancel.

Bahagi rin ng album ang instrumental ng Ikaw.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.