Humanga ang mixed martial arts coach ni Ana Julaton sa galing ni Brandon Vera sa striking at ground fighting.
Bago dumating sa Pilipinas kamakalawa, nagsanay muna si Vera kasama si Julaton sa MP Training Club sa Los Angeles, California bilang paghahanda sa kanilang pagsabak sa "ONE FC: Warrior' s Way" sa Sabado (Disyembre 5).
"Brandon is truly a gifted fighter. Right away I felt the power he has in his hands and with more Boxing training plus his superior Muay Thai skills and his excellent JiuJitsu, Brandon will become the ONE FC Heavyweight Champion very soon," saad ni Angelo Reyes, matagal nang coach ni Julaton, sa isang panayam.
Base sa ilang rounds ng boxing pad work ni Vera sa ilalim ni Reyes, walang dud a ang huli na mangingibabaw ang dalawang Filipino-American sa kanilang pagyapak sa octagon sa Mall of Asia Arena.
“Ana Julaton is the best boxer in MMA today. To juggle two sports simultaneously is amazing to witness from such a humble and hardworking person. 2015 will be a big year for Ana as she has plans to win another world boxing title and also challenge for the first ever ONE FC female belt,” aniya.
Pipiliting makabangon mula sa kanyang pagkatalo sa Dubai ilang buwan na ang nakararaan, makakatapat ni Julaton ang Egyptian na si Walaa Abbas sa kanyang ikalawang pagsabak sa aksiyon sa harap ng mga Pinoy.
Hahamunin naman ni Vera ang Russian at URCC heavyweight champion na si Igor Subora sa kanyang ONE FC debut. Ani Vera, siya ay sabik nang lumaban at ipakita ang galing sa harap ng mga kababayan.
“I’m getting goosebumps just thinking about it,” ani Vera. “I’m excited. I’m focused. It’s always been my dream to fight in Manila and for that to finally happen, me fight in front of the Pinoys and my family, I can’t wait.”