Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco VS. Kia
7 p.m. Talk 'N Text VS. Purefoods
Pagtibayin ang kanilang kapit sa ikatlong puwesto na gagarantiya ng bentaheng twice-to-beat papasok sa quarterfinal round ang kapwa target ng Talk 'N Text at defending champion Purefoods Star sa kanilang pagtutuos ngayon sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Magkasunod sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa kasalukuyan ang dalawang koponan, angTropang Texters na solong pumangatlo na hawak ang barahang 6-3 at ang Star Hotshots na nasa ikaapat na puwesto na taglay ang barahang 5-4 kapantay ang Barangay Ginebra na mayroon namang laro habang isinasara ang pahinang ito kontra sa Alaska sa MOA Arena.
Tiyak na maghahabol ang tropa ni coach Tim Cone, ang reigning grandslam champion, na makabalik sa winner's circle makaraan nilang matamo ang kabiguan sa nakaraan nilang laban sa kamay ng Rain or Shine noong nakaraang Linggo sa iskor na 74-83.
Para naman sa koponan ni coach Jong Uichico, hangad nilang mapalawig pa ang nasimulang tatlong dikit na panalo, ang pinakahuli ay kontra sa Blackwater Sports noong nakaraang Saba do, 90-80, sa Binan, Laguna.
Una rito, haharapin naman ng undermmaned team ng Meraleo ang Kia Sorento na kinakailangan namang mawalis ang huling dalawang laro, kabilang ang labang ito sa Bolts para makahabol sa huling slot sa quarterfinal round.
Taglay ang barahang 1-8, kailangan ng Sorento na talunin ang Bolts at ang huling katunggaling NLEX at umasang hindi na makaapat na panalo ang sinusundang Road Warriors at Barako Bull na kapwa may kartadang 3-6, upang makahabol sa huling biyahe sa susunod na round.
Sa panig naman ng Bolts, maghahabol din ang mga ito upang makabangon mula sa natamong dalawang dikit na kabiguan, ang pinakahuli ay sa kamay ng San Miguel Beer noong Nobyembre 28,77-88, para makisalo sa Globalport (5-5) sa ikalimang puwesto.
May duda kung makalalaro ang top gun ng Bolts at Gilas standout na si Gary David na dinala sa ospital noong nakaraang Lunes ng gabi dahil sa pananakit ng kanyang kasu-kasuhan, mataas na lagnat at pag-ubo.