Disyembre 3, 1984, nang mamatay ang may 5,200 katao matapos tumagas ang toxic gases mula sa planta ng pestisidyo ng Union Carbide India Limited (UCIL) malapit sa Bhopal City, Madhya Pradesh sa India. Nasa 250,000 katao naman ang nasugatan sa aksidenteng pagtagas ng delikadong hangin.
Tinagurian din na Bhopal gas tragedy, sinisi ang leak sa kawalan ng sistema sa seguridad at kaligtasan ng kumpanya. Ikinonsidera rin ito na isa sa pinakamalalang industrial disaster sa mundo. Ang UCIL ay sangay ng Union Carbide Corporation (UCC).
Agad namang nagpaabot ng sapat na tulong ang UCC sa mga biktima, at nagkaroon ng settlement ang gobyerno ng India at UCC at UCIL. Inihayag ng Korte Suprema ng bansa noong 1991 at 2007 na ang settlement ay patas at wasto.