Inaasahang magkakaroon ng aftershocks kasunod ng magnitude 6.4 na pagyanig sa Mindanao kahapon ng tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang lindol ay naitala dakong 1:11 ng hapon at nasa 112 kilometro, timog-kanluran ng Kalamansig sa Sultan Kudarat.

May lalim itong 619 kilometro, at ayon sa mga seismologist, karaniwan nang hindi malakas ang pagyanig ng malalalim na lindol.

Naramdaman ang intensity 2 sa Bislig City, Surigao del Sur.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Walang naiulat na pinsala o nasaktan sa lindol. (Ellalyn B. De Vera)