Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Alan Purisima sa lahat ng kanyang mga tauhan sa bansa na mas paigtingin pa nila ang security operations ngayong holiday season o bago at matapos ang pagdiriwang ng Christmas at New Years day.

May kaukulang security measures na ipinapatupad ang PNP, partikular sa iba’t ibang shopping malls, simbahan, transport terminal at iba pang mga pampublikong lugar kung saan ay magsisidagsaan ang mga mamamayan.

Ayon kay PNP Director for Operations, Police Director Ricardo Marquez, bilang bahagi ng kanilang ipinapatupad na security operations, lalo pa nilang pinanalakas ang foot and mobile patrol operations at nakastandby sa loob ng 24 oras (mula Lunes hanggang Linggo) ang kanilang route safety marshalls sa mga lugar na kakailanganin ang kanilang presensiya.

National

5.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental; aftershocks, asahan!

Sinabi ni Marquez, magtatalaga din ng mga Police assistance hub ang PNP sa mga matataong lugar at nakalatag na rin ang preemptive security operations.

Giit pa ni Marquez na ipagpapatuloy din nila ang kanilang kampanya laban sa loose firearms, illegal discharge of firearms, kampanya laban sa criminal gangs at personalidad, partikular ang ipinapatupad na OPLAN Bakal at OPLAN Sita, at mahigpit din nilang pinapairal ang RA No. 7183 o (Illegal Manufacture and Sale of Firecrackers and Pyrotechnics).