Tanging ang desisyon ng Supreme Court (SC) ang makareresolba sa isyu ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, mas mainam kung agad na magpalabas ng desisyon ang SC hingggil dito para malaman na kung naaayon sa Saligang Batas ang EDCA.

Aniya, walang naisalang na ratipikasyon sa Senado dahil wala namang isinumite ang Palasyo sa paniniwalang ito ay executive agreement at hindi na kailangang idaan sa Senado para maratipikahan. “Therefore, the matter is, we can’t compel the Office of the President to submit it to us, because precisely, the issue is pending at the Supreme Court,” ani Drilon.

Sa isinagawang pagdinig noong Lunes, iginiit ni Senator Miriam Defensor-Santiago na ininsulto ng Malacañang ang kapangyarihan ng Senado dahil sa pagbalewala nito sa EDCA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isang resolusyon ang nakatakdang isampa ni Santiago upang ihayag ang hinaing ng Senado laban sa hindi pagsumite ni Pangulong Benigno Aquino III sa isyu ng EDCA.

Umaasa si Santiago na papaboran ng kanyang mga kasamahang senador ang ihahaing resolusyon para iparating sa Malacañang ang hinaing ng Senado laban sa EDCA.

“I think the sentiment is widespread that the Senate does not feel happy that its constitutionally accepted powers such as ratification of a treaty was short circuited by the Executive branch in connection to EDCA. Ginawa nila patalikod e,” ayon pa kay Santiago.

Iginiit naman ni Senator Ferdinand Marcos Jr. na balewala ang kasunduan kung hindi naman madedepensahan ng Amerika ang bansa sakaling may lumusob na banyaga.